Sunday, July 11, 2010

I"m bothered.

Bakit kaya di natatapos ang mga problema sa buhay? Para exciting?? NOT. Ayoko na. Gusto ko na lang matulog, tapos paggising ko okay na yung lahat. Yung wala na akong iisipin pang iba.

Things currently running in my mind:

1. Thesis. I hate to say this pero I'm bothered by it. I like my topic, kaso I'm beginning to worry if it's feasible or not. It's a case study of DWFM 92.3, so institution study siya. I found a "peg" thesis sa CMC lib last Friday and I'm going to look for it again tomorrow when I go back to Diliman. Kinakabahan ako kasi baka hindi pala feasible yung mga methods na naiisip ko, wala akong connections sa station, baka maging failure lang ang lahat-lahat.

Funny nga kasi everyone's ngarag about their thesis. Si Gen, sobrang full-force na ang pagtrabaho sa thesis niya a.k.a. George, na minsan, sobrang nakakakonsensya na hindi ganun ang treatment ko sa thesis ko. Si Kem, hindi decided sa topic, pero determined naman siyang magsettle na. Yung iba, sobra-sobra kung magpaconsult sa mga professors. Hindi pa sila nakontento doon. Kaliwa't kanan ang mga McDo meetings and thesis overnights.

I feel left behind. Parang so far, keri pa naman ang status ko. Nagagawa ko naman lahat ng kelangan gawin. Di ko lang talaga maintindihan why everyone's agitated. Nasistress ako tuwing nakakasama ko sila. Yes, wala pa akong thesis adviser. I have approached Ma'am Melba and I'm scheduled to give her my thesis topic and RPOs anytime soon.

Masyado ba akong kampante? Kelangan ko rin ba i-up yung game ko? I feel like such a failure. Peer pressure lang ba ito?

Oh well, I'm doing my RRL naman. Deadline sa Wednesday and I'm quite positive that I'll be able to achieve all of these deadlines. Natatakot lang ako kasi may tendency akong maging kampante lang sa mga bagay-bagay. Mejo klaro na naman yung nakikita kong direction para sa thesis ko. That must at least count for something right?

I want to be devoted to my thesis, but I don't want to stress myself out. Anong gagawin ko?


2. CSI Yearbook. Oo, di pa rin tapos. I'm supposed to send everything na to Ma'am Malenab, lahat ng output ko. Di ko alam bakit di ko siya ma-let go. Nakakainis. Di ko naman siya magawa. The problem is I'm all on my own with this project. Nahihirapan ako magdelegate ng tasks lalo na't andito sa LB yung mga batchmates ko sa LB, nasa Diliman ako. I know I'm busy, di ko na siya kayang asikasuhin. I'm determined to send everything to Ma'am Malenab tonight. After that, I shall breathe more easily.

Cross you fingers with me, please? Help me let go. Haha.


3. PM sent to a wrong person last night. Nakakainis. Hope he's dense enough to forget about it. Sana di niya nagets. Sana nalimutan na niya by now. Hahaha. So stupid of me. Aarrgh! Sobrang embarassed ako. Kasi naman eh, Jerome was pushing me to my limit. Pinagbigyan ko naman ang kanyang kahilingan na makilala ang ilang mga tao na significant sa buhay ko ngayon. WAAAAH. Nakakahiya talaga. HAHAHA. Sana talaga wag na itong mabring-up EVER. Mamamatay ako.

4. RC Application. Dahil MemComm head ako, nasa akin lahat ng pressure pag dating sa application process. Kailangan ko nang i-contact yung mga possible recruits na binigay sa akin. Next month pa kasi ang app process namin, nagsastart na yung sa ibang orgs. Sana marami pa rin kaming makuha, lalo na yung mga interesado talaga sa radio. The org desperately needs manpower.


5. SLEEP. Gusto ko talagang matulog ng mahimbing. Matulog ng matagal. Kaso feeling ko lagi akong kulang sa oras, na kelangan kong i-deprive ang sarili ko ng tulog para mas marami akong pwedeng magawa. Gets? Lately, laging interrupted yung sleep ko. Laging kulang. Sana maging normal na ulit sleeping habits ko, although I highly doubt it lalo na't malapit na ang midsem. Sana may national sleep day. Yung required ang lahat na matulog lang for a day. That would be so much relaxing.


Sana parang hard drive na lang ako. Pag puno na, pwedeng magdelete ng mga files para makahinga ulit. Kaso sa tunay na buhay, hindi pwedeng magdelete lang basta-basta. Kung anong sinimulan mo, dapat tapusin mo.

LORD. HELP ME PLEASE. Once again, I'm desperate.

FRIENDS NA NAKAKABASA NITO, ENCOURAGE ME PLEASE. Ayoko nang maging mediocre. Magaling lang ako magtago ng stress, pero stressed na din ako.

I long for tulala days. I long to chill. I long to just randomly talk with my friends. I really really really want an unstressed life. BUT THAT'S IMPOSSIBLE, ISN'T IT? What's a life without problems and deadlines--a boring life.

Blogtime's over. Back to reality. Back to work.:|

No comments: