Tuesday, March 11, 2008

after the hiatus.

yes, one month din yon diba?

one month na walang naisulat.

pero sa one month na yon, sobrang daming bagay na nangyari.
as in:)

may maganda, may pangit, may OA, may walang kwenta.

haha.














grabe, magtatapos na ang academic year.
di na kami bida. haha.:))
oh well, ates at kuyas na ulit.

so what has been happening since i left this blog hanging? i guess some of the pictures could talk for me (see albums at my multiply site). the unforgettable valentine's day (night i mean, haha), kalai kick-off kung saan rumampa kami ng todo at sumayaw ng "bongga kalai", wacky day kung saan naging pirate ako for a day (one of the days na never kong malilimutan, as in!), debut ni sunshine, gimik with friends sa katipunan (i'll upload the pics soon), paghabol sa mga requirements para tumaas ang grades (yuck, GC pa rin. haha. i think that'll never change) lalo nung nalate ako sa english11 at namiss ang isang quiz at reporting, more bonding moments with friends, mas maraming concerts na pinanood, haay..

mas naging busy nga this sem. di nga ako masyado nakauwi sa bahay. diba ma? haha.
pero enjoy naman. sabi nga ni will, keri lang.

and for the record, 2 batchmates palang ang nakikita ko this year. whatta loser. haha.

sabi nga nung shout-out ko sa friendster, i am out, out of the loop. wala na akong balita. yun pala yung downside pag malayo ka. but why should i dwell on these kind of u-thoughts (corny..;p), magiging emo-ish lang ako (glamorize depression...go!). that's why i surround myself with people who wouldn't make me feel that i'm being so left out. nice diba?:)

super thankful ako sa mga new found friends ko, kasi even though i'm really missing my other friends at LB, they make me feel at home. kahit wala pa kaming one year na magkakakilala, may feeling ako na forever na ito. haha. mushy. yuck. but i still miss my old friends. at dahil ako ay walang kwenta magbudget for my load money, lagi akong walang pantext. but always remember (yes, you!) na you will never be forgotten. di lang talaga possible sa circumstances.

but i do miss you guys.

don't worry. hindi naman ako ganong nagbago (yes jers, di ako masyado nagbago. feeling mo lang yon! haha), ako pa rin naman yung parang batang maglakad, madaldal at malakas tumawa na bianca. di pa rin ako nauubusan ng advice pag kelangan, lalo na sa mga lovesick jan. it may seem na parang iba, pero iba lang talaga ang mga kasama ko. corny pa rin ako at di marunong magpatawa. klutz pa din. gc pa din. baliw pa rin at chismosa as ever. di nga lang ganon kaupdated. haha. anjan lang ako, invi sa ym kasi may ibang kelangan iresearch, pero pwede pa ring kachat. ako pa rin yung conservative na babaeng kilala niyo, nilagay lang sa isang super liberated na environment. ako pa rin yung senti at may pagkapikon na bianca. ako pa rin yung bianca na mahilig lumamon at takaw-mata, chocolate pa rin ang weakness. haha. (kaya nga di pumapayat eh). ako pa rin yung bianca na tawa ng tawa ng walang dahilan, natatawa sa kahit anong simpleng bagay at mabilis makiliti.

promise.:)

hay. whatever. nababaliw na ako.
naisip ko lang, parang insanity ang blogging. type ka ng type, wala namang pinatutunguhan yung mga sinusulat. di ka nga sure kung may nagbabasa ba eh. haha.

try ko na ulit mag-update whenever i can. di lang super regular.

sa totoo lang, i missed this blog.:)
yihee..

haha.