Malalaman mo kapag lahat na lang ng blog entries mo ay tungkol sa kanya to the point na paulit-ulit na ang mga scenarios na kinukwento mo dahil hindi ka makaget-over sa fact na oo, nangyari nga lahat ng 'yon. At mejo irreversible na yung process.
Malalaman mo kapag pikit mo, siya unang naiisip mo. Tuwing naglalakad ka mag-isa, winiwish mo na kasama mo na lang sana siya.
Malalaman mo kapag daan niya, winiwish mo na sana ikaw ang unang babatiin at lalapitan niya.
Malalaman mo kapag sa bawat love song na naririnig mo ay siya ang unang pumapasok sa isip mo at naapply mo sa context ng relasyon niyo.
Malalaman mo kapag nagigising ka na tuwing madaling araw sa kaiisip sa kanya.
Malalaman mo kapag napapanaginipan mo na siya in a romantic context. Minsan nga, ayaw mo na gumising sa realidad.
Malalaman mo dahil sa bawat ngiti, sa bawat pagbati at sa basically sa lahat-lahat ng bagay na ginagawa niya sayo, kinikilig ka (deep inside).
Malalaman mo kapag hindi mo maamin sa kanya dahil alam mong may posibilidad na ikasira nito ng pagkakaibigan niyo.
Malalaman mo dahil para kang martyr na ginagawa ang lahat para sa kasiyahan niya, kahit pa ibig sabihin nito ay di na mapapasayo pa ang tanging kagustuhan mo.
AYAN. Diyan tayo magaling eh.=))
No comments:
Post a Comment