Thursday, August 19, 2010

Rant #927193612946539847629834

Bakit tuwing nafifeel ko na okay na ang lahat, bigla na naman akong nalulungkot?

Anong problema ko?

Hindi ko maexplain kung anong gusto kong sabihin. Basta ang alam ko, gusto ko mag-rant. Gusto ko umiyak. Gusto ko isigaw mga sikreto ko. Gusto ko maging 100% honest. Kahit anong blog ko, hindi tumatalab. Mabigat pa rin ang pakiramdam.

Bakit kaya ako nagkakaganito? Dahil ba deprived ako ng something na gustong-gusto ko? Dahil alam kong akin na dapat yon kaya lang nawala na naman?

Pero mali. Di dapat ganun yung epekto ng something na yon sa buhay ko.

Do I need to distance myself? No. Maraming beses ko na inaway 'tong argument na ito. It would be the illogical thing to do.

Ano baaaa.

Pasensya na. Alam kong sawang-sawa ka na magbasa tungkol sa drama ng buhay ko. Pwede mo naman i-close yung tab kung bored ka na. Tapos clean up mo na rin yung history para never ka na ulit mapadpad sa page ko.

Paulit-ulit na drama. Nakakainis. Lagi na lang nasisira araw ko dahil dito.

Masaya naman ako. Masaya talaga ako. Eto lang yung aspeto ng buhay ko na nakakalungkot. Oh well, ako lang naman ang nalulungkot tungkol dito diba?

Minsan tinatry kong i-share kay Gen, kaso parang ang babaw. Parang tinatanong ko yung sarili ko, "di ka pa rin ba over sa situation mong 'yan? Ilang buwan na? Baka naman naghahanap ka lang ng drama sa buhay? Pwede ba? Grow up!"

Tama bang sabihin ko yun sa sarili ko?

Or tama ba 'tong ginagawa ko na selective ang pag-atake sa bawat araw? May problema pero hindi pinoproblema? In the first place, may problema ba talaga?

Ako lang naman yata ang problema eh.

Here I am, trying to convince other people to let go of their miseries, when the truth is hindi ko ma-let go yung own miseries ko. Bakit ganun?

I'm such a LIAR.

No comments: